Confirmed nga ba na real life mag-jowa na ang FranSeth? 

FRANCINE Diaz and Seth Fedelin are in the house! 

Super pasabog at bongga ang chikahan ng award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas with Francine Diaz and Seth Fedelin sa latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 8, 6pm, on NET 25!

Ang off-cam scene ng kanilang mga buhay, daig pa ang teleserye! 

Gaano kahirap ang naging buhay ni Francine nung siya ay bata pa? Alamin kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid dahil sa matinding baha! Bakt sila palaging napapalayas sa inuupahang bahay at bakit  nga ba siya laging absent sa school? Ano ang madalas niyang kinakain magkalaman lang ang tiyan! Para saan ang mga inutang niya noon? 

Si Seth naman, bakit niya sinisisi ang sarili sa pag ka-stroke ng kanyang tatay? Aminadong short sa pera, bakit nagka-utang utang ang pamilya niya? Sa laki ng pamilya, ano ang panawid gutom nila noon? At magkano lang ba ang life savings nila noon? 

Paano binago ng showbiz ang buhay nila? Ang pag aartista ba ang nag-ahon sa kanila sa kahirapan? At ano ang bagong rebelasyon nila sa atin? Sila na nga ba talaga?

Lahat ng ito dito sa Korina Interviews lang mapapanod, this Sunday, 6pm pagkatapos ng romantic-comedy series na Goodwill sa Net 25!

Leave a Reply