Skip to content

‘The Thieves’ Star-Studded and Action-Packed

1 The Thieves

Nanalo bilang “Best Film” sa 2012 Korean Culture and Entertainment Award at tinanghal na “Audience Choice Award for Most Popular Movie” sa 33rd Blue Dragon Film Award, ang The Thieves ang ikalawang handog ng SineAsia Korean Film Festival matapos ang highest grossing Korean film na Ode To My Father.  Dito pinagsama-sama ang ilan sa mga Korean and Chinese superstars, at maaaring hindi na ito maulit pa.

Sa pelikula, ang wanted Korean thief na si Popie (Lee Jung-ja, Best Actor for The Housemaid) ay nakatanggap ng malaking alok mula sa kanyang dating partner na si Macao Park (Kim Yun-seok, Best Actor for Punch, Best Supporting Actor for Tazza: The High Rollers).  Papasukin nila ang isang casino sa Macau para kunin ang isang 318-carat diamond na tinatawag na “Tear of the Sun”.  Ito ay nagkakahalaga ng 20 million US Dollars.

Para sa operasyong ito, bitbit ni Popie ang kanyang grupo:  ang safecracker na si Pepsee (Kim Hye-soo, Best Actress for Tazza: The High Rollers) ang wall-climber na si Yenicall (Gianna Jun, Best Actress for My Sassy Girl), ang tactician na si Zampano (Kim Soo-hyun, Best Actor for The Moon That Embraces the Sun), at ang magaling sa pag-disguise na si Chewingum (Kim Hae-sook, Best Supporting Actress for Life is Beautiful).

The Thieves01

Isang grupo naman mula sa Hong Kong ang tinawag ni Macao Park para tumulong:  ang poker-faced leader na si Chen (Simon Yam, Best Actor for Echoes of the Rainbow, played opposite Angelina Jolie in Lara Croft Tomb Raider), comic gunslinger Andrew (Oh Dal-soo, Best Supporting Actor for Once in a Summer), gun expert Jonny (Derek Tsang, known for Girl, Once a Gangster, at director ng Lover’s Discourse), at safecracker na si Julie (Sinje Lee, Berlin Film Festival Best Newcomer for Betelnut Beauty).

Sa hanay ng iba pang sikat na crime movies tulad ng Ocean’s 11, dala ng The Thieves ang kakaibang excitement kung paano malulusutan ng mga bida ang mahigpit na seguridad sa casino.  Ngunit maliban dito, ang bawat isa ay may iba’t-ibang hamong hinaharap.  Si Pepsee ay meron pa ring natitirang pagmamahal para kay Macao Park na dati niyang naka-relasyon.  Si Yenicall ay may planong angkinin ang diamante. Samantala, may mas malalim na dahilan si Macao Park sa pagnanakaw ng diamante sa may-ari nito.  Sa gitna ng lahat ng ito, nagkakainitan pa sina Popie at Macao Park.

The Thieves02

Inamin ni Choi Dong-hoon (Best Director for WOOCHI,  Tazza: The High Rollers, and The Big Swindle), na nakadama siya ng takot sa ideya na idi-direk niya ang ganito kalaking cast, ngunit nagawang maayos ang lahat sa mabuting usapan.  Aniya, “It’s just that the screenplay must be fully understood. I (infected) them with my thoughts, mixing the individual with the movie’s tone and manner.”  Dagdag pa niya, “I think you will see through the friendships and love in the film, our unique emotional developments will show through.”

Subok na ang husay ng kolaborasyon nina Choi at actor na si Kim Yun-seok (Macao Park) dahil ang kanilang iba pang mga pelikula (The Big Swindle, Tazza: The High Rollers at WOOCHI) ay award-winning.  Sa katunayan, ang Tazza ang nagdulot ng “major turnover” sa karera ni Kim Yun-seok.  Sa pelikulang ito nangibabaw ang kanyang galing sa mga ka-eksena.

Sa Tazza rin unang nagsama sina Kim Yun-seok at Kim Hye-soo (Pepsee).  Simula noon, kinilala na si Hye-soo bilang isang versatile actress.  Bukod sa Tazza, nagtamo siya ng Best Actress awards para sa Hypnotized (2005), Dr. Bong (1995), at First Love (1993).

 The Thieves04   The Thieves03

Maraming pinakilig sina Gianna Jun (Yenicall) at Kim Soo-hyun (Zampano) sa Koreanovela na My Love from the Star na pinalabas sa Kapuso network noong 2014.  Ibang pagpapakiliti naman ang gagawin ng dalawa sa The Thieves kung saan sisikapin ng karakter ni Kim Soo-hyun na mapaibig ang dalaga kahit parang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.  Si Gianna Jun ay lumabas na rin sa international films tulad ng Blood: The Last Vampire na gawang Hollywood at Snow Flower and the Secret Fan na mula sa China.

The Thieves05

Ang skyscraper wire action scene ni Gianna Jun, ang shoot-out scene ni Simon Yam (Chen) sa parking lot, at ang wire action scene ni Yun-seok sa 15th floor apartment complex ay ilan lamang sa mga makapigil-hiningang eksena na dapat abangan.

Naging matagumpay ang The Thieves sa Singapore, Taiwan, China, Hong Kong, Thailand at Indonesia.  Siguradong mae-enjoy din ito ng mga Pinoy lalo na’t isinalin ito sa Tagalog.  Palabas na sa July 1, 2015, sa SM Cinemas lamang.

Watch the trailer here:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: