‘Mommy Issues’ stars Sue Ramirez, Ryan Bang reflect on parents’ teachings, time spent together

In celebration of Mother’s Day, Regal Entertainment, Inc. did a live on the popular social media / video-sharing app TikTok to talk about the film and stuff about mothers with Ryan Bang and Sue Ramirez.

I thought, what would be a good question to ask these young artists to honor their mothers on their special day? Then it came to me that all mothers or parents have this trait or teachings that we hate when we were young but thankful now that they were like that. Was it also the same for them?

Sue Ramirez:

Siguro ‘nung bata ako, masyado akong nagmamadaling tumanda. Parang feeling ko, alam ko na lahat, ‘yung pag may sinasabi mommy ko sa’kin na ‘wag kong gawin, mas gusto kong gawin. Ganu’n naman tayo lahat eh, ganu’n mindset ng mga tao. Dati, hindi ako pinapayagan masyado ng mommy ko na nagsi-sleepover, kasi ang mindset niya do’n, bakit ka matutulog sa bahay ng ibang tao eh may bahay naman tayo? Dati naiinis ako, nami-miss out ko ‘yung mga barkadahan, but come to think of it, oo nga, okay lang naman pala, it turned out okay. It’s not bad, okay lang at least nabitin ka, meron kang excitement to be with them again because may mga na-miss ka. ‘Yun ang sa’kin, ‘yunng pag-sleepover pero ngayon nage-gets ko na. Mas masarap nga naman matulog sa sarili mong bahay. Mas libre ka kumilos, mas magagawa mo ‘yung gusto mo.

Ryan Bang: Ako naman ‘yung dati, pinadala ako ng mommy ko sa Pilipinas, galit na galit ako sa mommy ko. Bakit kaya ako pinadala dito, akala ko wala na siya responsibilidad, wala siyang care. ‘Yun pala lahat ng nangyayari may dahilan, ginawa niya ‘to para sa akin. Kaya ngayon, natutuwa ako pinadala niya ako sa Pilipinas. Sobrang salamat ako kasi kung hindi niya ako pinadala, wala akong chance na makilala si Sue Ramirez, na meron akong kaibigan na napakatalino. Ang dami kong natutunan kay Sue Ramirez, thank you! God bless you, Sue.

Sue happily responds, “Salamat, Ryan!”

But how are they as a daughter and a son during pandemic? Can they say they have grown or matured more now we’re quaratined with our loved ones?

Sue: Definitely, I think not only in the pandemic. We grow every day because we learn something everyday and it makes us realize na tama lahat ng sinabi ng mga magulang natin sa atin, lalo na ‘nung nanay natin na ayaw pa natin pakinggan. So, I think mas naiintindihan ko na siya ngayon, mas naiintindihan ko ‘yung dati parang wala ka pang pasensya kasi mas bata ka, iba ‘yung iniisip mo, iba ‘yung priority mo. But now you think of it, ay ang cute ng mommy ko. Sinesermonan niya na naman ako, nagpapalambing na naman ‘to. So, alam mo ‘yun? Meron kang mas malawak na pang-unawa, mas patient na siya sa’yo, ganu’n ka na din sa kanya. Mas nagje-gel na kayo together na parang mas kaya niyo na kahit ano man ang situation. Kasi natutunan niyo na na ganu’n lang talaga, it’s either you dwell on what’s bad or learn from it and move on from it. Wala naman gusto ang magulang natin kung hindi ang ikabubuti natin. ‘Yun ang nasa isip ko kaya feeling ko nag-grow ako and naggo-grow pa ako every day. Wala pa ako sa rurok ng pagiging anak pero it’s something I want to achieve, maging mabuting anak sa aking ina.

Ryan jokes, “turuan kita, tulungan kita Sue. Akong bahala sa’yo.”

“Sige, Ryan. Pa-workshop naman ako paano maging mabuting anak,” Sue answers.

Ryan: Pandemic o wala, parehas lang naman ako eh. Kasi ‘yung magulang ko nasa ibang bansa eh. So nag-mature na ako since 18 or 19 kasi 18 pa lang mag-isa ako nakatira sa bahay. Kumbaga 13 or 14 pa lang, malayo na ‘yung magulang ko. Kaya lage ko sinasabi kapag mga kaibigan ko nagrereklamo na maraming sinasabi mga nanay nila, sinasabi ko sa kanila, napaka-swerte mo. Ako nga nami-miss ko ‘yung kinukulit ako nung mommy ko nung bata ako kaya napaka-swerte niyo kasama mo ‘yung mommy mo sa isang bubong o magkalapit kayo o pwede mo silang dalawin, dalawin ninyo hanggang nanjan pa. Kasi ako, nakakgulat kasi mga dalawang taon, minsan isang taon isang beses ko lang nakikita mommy ko. ‘Pag nakikita ko sila, tumatanda talaga eh. ‘Pag katabi niyo mommy or daddy niyo, ‘di niyo nararamdaman na tumatanda sila. Pero ako, taon-taon, nakikita ko ‘yung puting buhok niya. Minsan nagjo-joke pa sila na kinukulayan lang nila buhok nila. Mabilis sila tumanda kaya ako siguro pag tapos ng pandemic, uuwi talaga muna ako sa Korea kasi halos dalawang taon hindi ko sila nakita. Buti na lang may Facetime, kaya maraming salamat Steve Jobs!

There’s a lot of heart with the conversation. You know their love and care for their mothers or parents made them to be better persons. The relationship between the mother and her child is vital to how the child will turn out. The decision making and how we think and act.

This is one of the issues tackled in Regal Entertainment, Inc.’s Mother’s Day movie presentation Mommy Issues.

The film stars Pokwang, Sue Ramirez, Jerome Ponce, Ryan Bang, Kyle Velino, Chanel Morales and Ms. Gloria Diaz. Directed by Jose Javier Reyes.

You can now stream Mommy Issues on Upstream, KTX, iWant at TFC get tickets for P250 pesos only available worldwide.

Leave a Reply