Cinemalaya Short ‘Pugon’ director calls casting Soliman Cruz, Andrea del Rosario a blessing

Cinemalaya has been a platform for artists to show their talents and to be discovered by the mainstream media. Having a newbie star in the Cinemalaya 2021 Short Pugon, it makes one wonder how and why they got the part.

“Audition. Bilang director kasi, kalahati ng trabaho mo tapos na after ng casting. And alam ko na statement film ko ‘to at alam kong heavy ‘yung acting pero hindi OA. So, nag-post ako and nag-send sila ng mga videos. Hindi siya handpicked,” shares director Gabby Ramos.

Newcomers Jhassy Busran, Bamboo B and Cassie Kim were among the lucky ones to pass the auditions. And Jhassy got the lead part Sonia.

But how about its veteran actors Soliman Cruz and Andrea del Rosario?

“Niligawan ko talaga sila sinusulat pa lang ‘yung pelikula,” answers director Gabby Ramos.

“Yung character reference ko, ‘yun ang peg: pang Andrea and pang Soliman. Kasi nakita ko na sila magtrabaho eh. ‘Pag nag-match itong dalawa, malupit ito. Maibibigay ko ‘yung statement ko sa audience,” he continues.

Soliman Cruz and Andrea del Rosario happily thanked director Gabby Ramos for pursuing them for the roles.

“Blessing. Blessing lahat ng nangyari ‘nung nagsama-sama sila.”

Director Gabby Ramos shares his statements on his short film Pugon:

“Ang maikling pelikulang ito ay tungkol sa Child Labor, tungkol sa mga anak na naiprenda ng sarili nilang mga magulang, mabuhay lamang ang kanilang pamilya.

Pero sa pelikulang ito ay hindi ka makakakita ng mga batang nagpapakahirap sa minahan. Hindi ka rin makakakita ng mga batang nasadlak sa prostitusyon o mga musmos na pinahihirapang maglakad sa bundok para mag-buhat ng mabibigat na troso, o di kaya’y mamalimos sa lansangan.

Sa halip, ang pelikulang ito ay magpapakita ng mga batang maaring minsan mong naging kalaro, kaibigan o naging kasambahay. Sila ang mga batang isinanla ng kanilang magulang bilang pambayad sa kanilang pagkakautang – kapalit ang kanilang kamusmusan at pagiging inosente.

Ang pelikulang ito ay paglalantad ng reyalidad na, dito sa ating bayan ay normal lang na ipinadadala ng mga magulang ang sarili nilang mga anak para magtrabaho sa ibang lugar at makatulong sa kahirapan ng kanilang pamilya. Nakakatawa mang isipin na ang alam nating panuntunan na “Gagawin lahat ng Magulang, mabuhay lang ang kaniyang mga anak“ ay taliwas sa totoong nangyayari sa kasalukuyan .

Ang intention ng pelikulang ito ay ipakita ang reyalidad na ito ng buhay, at umaasang masagot ang mga katanungang: Meron bang dapat sisihin? Meron bang dapat gawin?

At para sa mga bata na nagtratrabaho para lang mabayaran ang pagkakautang ng kanilang mga magulang: Maari ba silang tumanggi? Maari ba silang mamili ng kanilang kunabukasan?”

About Pugon

Thrown into the pawnship slavery to pay the debt of her poor parents is Sonia (Jhassy Busran), a 14-year-old girl full of dreams from a fishing village, a community where pawning their children is the norm. Forced into labor for a sum their parents get is an abuse the kids need to face every day.

Her baptism of fire begins when she is brought to a bread factory. Along with other children, they witness the acts of abuse by their employer, Mang Rey (Soliman Cruz).

After ten months of servitude, they could finally get back home. Shock and dismay welcome her back as she learns that her father had died. This forces her mother to pawn her again as payment for her father’s funeral expenses.

Like the rest of the child-laborers from the Bread Factory, all homeless and in debt once more, a question awaits to be answered:

When will this cycle of debt bondage end?

To Sonia, is a bright future even possible? How will she deal with her fate?

Watch Pugon at the Cinemalaya Film Festival on August 6 to September 5 via KTX.PH.

Leave a Reply