He’s part of one of the longest running TV show on Philippine TV ‘Abot Kamay na Pangarap’ as Doc Lyndon but behind the camera, versatile actor Ken Chan is also an entrepreneur and a movie producer.
We talked to him during the opening celebration of his newest business venture, the Deer Claus Steakhouse & Restaurant, at the corner of Jamboree and Limbaga St. in Quezon City. He spilled some details on how he handles his businesses and work and some about his upcoming movie with Jillian Ward and the one he is producing starring Rhian Ramos and Glaiza de Castro.

On his newest business Deer Claus Steakhouse & Restaurant
‘Yung Cafe Claus hindi siya steakhouse eh. Gusto namin ire-brand ang Cafe Claus, gusto namin steakhouse siya kasi kapag “cafe,” nalilimitahan siya. Nalilimitahan ‘yung menu, gusto namin siyang maging full-restaurant at nag-focus kami sa steak kasi I love steak, my business partners love steak and my family loves steak. Pero may mga kasama pa din sa menu ng Cafe Claus na minaintain natin dito sa Deer Claus pero dito sa Steakhouse and Restaurant, it’s a fusion. Pinagsama namin ‘yung Filipino food tapos meron ding Western food and ang pinagmamalaki namin ang steaks namin na galing pang Australia. ‘Yung quality ng steaks, ‘yung lasa, ‘yung alat at linamnam talagang mabusising pinag-aralan ng chefs natin.
On the joy of puttting up a restaurant
Isa sa mga joy na nakukuha namin sa pagbuo ng restaurant is ‘yung masayang umuuwi ang mga customers. ‘Yun talaga ‘yung best na pakiramdam at merong mga customers na binabalik balikan ka hindi lang ‘yung food, pati ‘yung ambiance na pagbalik nila, kasama na nila ‘yung friends nila o ‘yung family nila. Ang sarap sa pakiramdam na hindi lang sila customers, para sa kanila ‘yung restaurant na pinupuntahan nila nagiging second home na nila. Kaya ni-retain namin ‘yung homey feel, ‘yung feel ng pasko.
On producing movies
Isa sa mga na-produce namin ng Wide International Film is ‘yung pelikula namin na Papa Mascot kung saan nanalo si direk Louie (Ignacio) sa FAMAS ng Best Director. I’m so happy for him. And ‘yung pelikula namin ni Jillian Ward na ishu-shoot namin sa Taiwan. It’s a love story, isa ‘yun sa naka-line up. And ngayon, gagawa kami ng girl love (GL) story starring Rhian Ramos and Glaiza de Castro.
Update on movie with Jillian Ward
Ngayon dahil sa sobrang busy ni Jillian Ward sa Abot Kamay na Pangarap, talagang challenging sa amin na hanapan siya ng schedule pero nakapag-usap na ang Wide International Film at ang management ni Jillian which is Sparkle. This is also directed by Louie Ignacio. Lilipad kami by August sa Taiwan.
On Rhian and Glaiza’s GL movie
Ishu-shoot namin siya dito (sa Pilipinas). Gusto din sana namin ng mga co-producers ko na i-shoot siya sa ibang bansa pero kung mahirap ‘yung time ni Rhian and Glaiza, we can shoot it dito sa Pilipinas. Pero naghahanap kami ng theme song para dito kasi mahalaga talaga sa amin ang theme song. We’re looking for some OPM songs na 90s, ‘yun kasi ang bagay sa istorya. I’m really excited sa GL na gagawin nilang dalawa kasi alam naman natin na nag-click ‘yung tandem nila sa The Richman’s Daughter, maraming mga fans ang nakaka-miss sa RaStro. Wala kaming ibang artista na inisip maliban sa kanilang dalawa. Si direk Sigrid (Bernardo) ang magdi-direk ng movie ng RaStro.
How does Ken handle his time juggling everything from showbiz to business
Maswerte ako may pamilyang tumutulong sa akin sa business tapos pagdating naman sa trabaho, wala tayong magagawa dyan eh. Once na pumirma ka ng kontrata, hindi ka pwede mag-no ng schedule na naka-plot na ng management. So kapag wala akong shootings and tapings, talagang nandito ako sa mga branches ng Deer Claus. Minsan tatakbo ako ng Bataan kasi may mga brances ako doon o kaya Lipa, Batangas, Batangas City or Siargao. Kapag walang tapings, binibisita ko ‘yung mga branches and mine-make sure ko na meron akong time sa pamilya ko.
Watch our interview below:
